Aprubado ng Department of Health (DOH) ang pagpasa ng kaniya-kaniyang ordinansa ng mga Local Government Units (LGUs) para sa mandatory vaccination kontra COVID-19.
Ito, ayon kay DOH Secretary Francisco Duque, ay sa kondisyong payag ang mga constituents ng mga LGU na ipatupad ang naturang ordinansa.
Kung sa tingin anya ng mga LGU na dapat ipatupad ang mandatory vaccination ay hindi sila maaaring pigilan dahil kapangyarihan nila ito sa ilalim ng Local Government Autonomy Act of 1992.
Gayunman, maaari ringlumikha o mag-isip ng iba pang paraan upang mahikayat ang publiko na magpabakuna sa pamamagitan ng pagbibigay ng incentives at information campaign.
Aminado naman ang kalihim na hangga’t maaari ay hindi nila nais magpatupad ng batas upang gawing sapilitan ang pagbabakuna kontra COVID-19 dahil maaari nitong labagin ang karapatang-pantao. —sa panulat ni Drew Nacino