Higit apatnaraang (400) mga indibidwal at karamihan ay mga bata na nabakunahan ng Dengvaxia ang patuloy na minomonitor ng Department of Health sa Mindanao.
Ayon kay DOH Assistant Secretary Abdullah Dumama, bagama’t karamihan ng nabigyan ng Dengvaxia ay kabilang sa mass vaccination program ay mayroon ding naturukan sa Mindanao sa pamamagitan ng mga pribadong ospital.
Aniya, mayroon nang na ospital sa ilan sa mga nabakunahan ngunit wala namang naiuulat na nasawi.
Bibigyan ang naturang mga biktima ng ID o Identification Card upang mamonitor at mabigyan ng kaukulang tulong.