Patuloy ang pagkilos ng DOH para mahimok ang mga Pilipino na magpa bakuna na kontra COVID 19.
Ito ayon kay Dr Beverly Ho, Director ng DOH Promotion Bureau ay matapos nilang mahimok ang online shopping giant na Lazada para magbigay ng 15% sa mga bakunadong bibili sa nasabing online shop.
Sinabi ni Ho na mabenta ang mga produkto sa Lazada kaya’t naisip nilang gamitin ito para mahikayat ang mga Pilipinong magpaturok na kontra COVID-19.