Nakasuot ng red band sa kanyang kanang kamay si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa kanyang laging handa press briefing.
Ayon kay Vergeire, simbolo ito ng pagsuporta ng Dept. of Health (DOH) at ng buong pamahalaan sa lahat ng frontliners lalo na sa mga nasa larangan ng medisina na pumanaw habang ginagampanan nila ang kanilang tungkulin.
Hinikayat ni Vergeire ang lahat na magsuot ng red band bilang pakikiisa sa lahat ng frontliners lalo na sa health workers.