Patuloy na binabantayan ng Department of Health ang 19 na lugar matapos tumaas ang COVID-19 growth rate sa Pilipinas.
Kabilang s a minomonitor ng DOH ay ang:
- Davao de Oro
- Ilocos Norte
- Apayao
- Oriental Mindoro
- La Union
- Zambales
- Davao Occidental
- Bukidnon
- Angeles City
- Davao City
- Cagayan De Oro City
- Butuan City
- Aklan
- Naga City
- Antique
- Sultan Kudarat
- Catanduanes
- Ilocos Sur
- Maguindanao
Nabatid na ang BA.2 ang pre-dominant na sub-lineage ng COVID-19 Omicron variant sa Pilipinas pero lumalabas na may panibagong mutation sa BA.4 at BA.5 variant na sinasabing nakakapagpataas sa abilidad ng virus para iwasan ang immunity ng isang tao.
Samantala, nananatili ring mababa ang health care utilization ng mga lugar maging ang mga naa-admit sa mga ospital.