Tuloy-tuloy ang ayuda na ibinibigay ng DOH o Department of Health para sa mga biktima ng bakbakan sa Marawi City.
Ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial, nakapagbigay na sila ng dalawang milyong pisong (P2-M) halaga ng medical assistance at supplies. (doh)
“Nagbigay na po kami ng 2 million sa ating Heart Evangelista Hospital diyan sa Cagayan de Oro kung saan dinadala po lahat ng wounded natin.”
“So, 2 million po yun medical assistance program at nagbigay rin po kami ng mga drugs, medicines, at mga wheelchair na worth P380,000”, ani Ubial.
Tiniyak pa sa DWIZ ni Ubial na nakahanda na rin sila sakaling kulangin ng supply ng dugo. (doh 2)
“Noong nag-ikot po ako doon nang June 3 and 4 puno po yung mga blood banks natin at kasalukuyan po silang nagba-bloodletting, continuous po yung ating bloodletting doon sa Cagayan de Oro at nagpadala rin po tayo ng mga 70 units ng cold blood galing sa Davao City at support for the supply in Cagayan de Oro.”
“Hanggang ngayon po wala pong problema sa dugo sa Cagayan de oro at sa Iligan City”, pahayag ni Ubial.
Mga pribadong ospital sa Iligan City at Cagayan de Oro City
Kaisa na rin ang mga pribadong ospital sa Iligan City at Cagayan de Oro City sa pagbibigay ng ayuda sa mga sundalong nasusugatan sa pakikipag-bakbakan sa Maute Group gayundin ang mga sibilyang naapektuhan sa insidente.
Ipinabatid ito sa DWIZ ni Health Secretary Paulyn Ubial matapos makipag-kasundo sa mga pribadong ospital para tanggapin ang mga masusugatan sa bakbakan kapag hindi na kayang i-accommodate ng mga public hospitals.
Katuwang aniya nila ang Philhealth sa nasabing kasunduan sa mga private hospitals sa Iligan City at Cagayan de Oro City.
“Yun pong mga sugatan sundalo man o sibilyan na hindi na ma-accommodate sa ating mga LGU at DOH hospitals or sa government hospital ay pwede pong i-refer sa ating private hospitals at sila po ay gagamutin at wala pong babayaran ang pasyente.”
“Ang sasagot po ng bill ay yung Philhealth at yung kung may balanse pa ang Department of Health, at napakiusapan po natin yung mga doktor natin doon sa Cagayan de Oro at Iligan, iwi-waive po nila yung kanilang professional fee, ang Philheath professional fee ng ang sisingilin nila sa lahat ng wounded”, bahagi ng pahayag ni Ubial sa panayam ng DWIZ.
By Judith Estrada – Larino | Balitang Todong Lakas Program (Interview)