Tiniyak ng Department of Health (DOH) na nananatiling MERS CoV-free, ang Pilipinas.
Ito ay sinabi ni Health Secretary Janette Garin, sa kabila ng ulat na isang 36 na taong gulang na Pilipina, mula sa Singapore, ang nagpakita ng sintomas ng sakit.
Ayon kay Garin, hindi dapat mabahala ang publiko sa naturang report, dahil sapat ang kakayanan ng DOH para i-monitor at pigilan ang carriers nito.
Sa ngayon ay nananatiling naka-confine sa Cagayan de Oro ang biktima, at isinalang na din ito sa mga laboratory test.
By Katrina Valle