Tiniyak ni Department of Health (DOH) Secretary Janette Garin na nananatiling MERS-free, ang Pilipinas.
Ito ay sa kabila ng mga balita na mayroong 2 Koreano sa bansa, na nagkaroon ng sakit na MERS.
Ayon kay Garin, patuloy ang pagbabantay ng otoridad sa mga pumapasok sa bansa, at makakatulong din kung agad ikokonsulta sa doktor, ang mga hindi kanais-nais na nararamdaman.
“MERS-CoV free pa rin po ang Pilipinas, hindi po tayo dapat na mag-panic o matakot, continuous naman po ang ating monitoring at surveillance dito, subalit kailangan pa din po ang maigting na pagbabantay, kaagarang pagpapakunsulta kung sakaling may nararamdaman, at kung ikaw ay nanggaling sa ibang bansa, dapat ideklara mo na ikaw ay nanggaling sa ganitong bansa dahil nabibigyan po ng idea yung mga doctors, not only about MERS but also for other diseases that we’re watching for, kasama na ang bird flu at ebola.” Ani Garin.
Binigyang diin ni Garin na nakapasa ang dalawang Koreano sa dalawang incubation period na ibinigay ng otoridad, bago sila mag-biyahe.
“Hindi po totoo na may lagnat yung doctor na lalaki, Yes, the couple came to the Philippines, wala po silang travel restriction, yung lalaki, doctor siya na nagtatrabaho sa isang hospital na nagkaroon ng pasyente pero wala siyang direct contact sa pasyente, natapos po yung 2 weeks (14 days), wala po silang sintomas na ipinakita.” Pahayag ni Garin.
By Katrina Valle | Sapol ni Jarius Bondoc