Patuloy ang paalala ng department of health o doh sa publiko hinggil sa lumulubong kaso ng dengue sa bansa.
Binigyang diin ni doh undersecretary eric tayag sa panayam ng dwiz na may panahon pa para mapigilan ang patuloy na pagsipa ng mga bilang na tinatamaan ng sakit na dengue.
Matatandaang pumapalo na sa 70,000 ang naitatalang kaso ng dengue habang mahigit 200 naman ang nasawi.
Dahil dito, umaapela si Usec. Tayag sa publiko na patuloy na mag-ingat kontra dengue.