Pinabulaanan ng Department of Health (DOH), ang kumakalat na e-mail kaugnay ng umano’y pamamahagi ng ahensiya ng mga libreng testing machines, face masks at ventilators sa mga rehistradong negosyo sa buong bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi nagpapadala ng anumang e-mail ang DOH.
Sinabi ni Vergeire, kasalukuyan na silang nakikipag-ugnayan sa philippine national police at national bureau of investigation para matukoy at madakip ang mga nasa likod ng pagpapakalat ng nabanggit e-mail.
Dagdag ni Vergeire, mariin kinokondena ng DOH ang anumang mga panloloko at pananamantala sa publiko sa gitna ng nararanasang krisis bunsod ng pandemiya sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Kasunod nito, nagbigay ang doh ng ilang e-mail protocols na kailangang sundin sakaling makatanggap ng mga kadu-dudang e-mail.