Pinabulaanan ng DOH ang ulat na bubuwagin na ang Research Intitute For Tropical Medicine (RITM) at papalitan ng Virology Institute of the Philippines (VIOP).
Sa laging handa briefing sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na may mga pag-uusap na tungkol sa pagtatayo ng VIOP pero hindi aniya kabilang sa planong ito ang pag-abolish sa RITM.
Dahil base aniya sa mga ginagawa nilang pagpupulong, ilalagay o isasailalim lamang ang RITM sa isang malaking institusyon para mas mapaigting at mapalawak pa ang kanilang expertise sa research at paglikha ng mga bakuna.
Kaya naman hindi aniya totoo na mabubuwag na ang RITM kundi maisasama lamang siya sa isang mas malaking health institution upang mas magkaroon ng mas maraming resources at mapalawig ang kanilang expertise.