Inihayag ng Department of Health (DOH) na hindi gawa-gawa o imbento ang posibleng aabot sa kalahating milyon na COVID cases sa kalagitnaan ng Mayo.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ito ay kung hindi tatalima ang mga mamamayan sa pagsunod sa public minimum health standards lalo na ngayong panahon ng kampanya sa eleksyon.
Pinabatid ni ng kalihim na ang pagtaya ay nagmula sa mga eksperto at hindi ito inimbento ng Inter-Agency Task Force para takutin ang mga tao.
Dagdag pa ni Duque na kung magiging pasaway ang marami ay hindi malayong sisipa muli pataas ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa gaya ng nangyayari ngayon sa Europe, Amerika at ilan pang bansa sa Asya. – sa panulat ni Mara Valle