Pinadadagdagan ng Department of Health (DOH) sa grupo ng mga pribadong ospital sa pamamagitan ng written warning ng 30% ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) capacity nito.
Ayon kay Dr. Jose Rene Degrano, pangulo ng Private Hospitals Association of the Philippines (PHAP), nasa 20% ng kabuuang bed allocation para sa COVID-19 patients ang inilalaan ng private hospitals.
Sinabi ni Degrano na isang nurse ang uubrang humawak ng lima hanggang walong pasyente na mayroong mild symptoms at isa hanggang tatlong pasyente naman ‘yung may moderate to severe symptoms.
Ayon kay Degrano, nagsabi na sila sa DOH na susubukan nilang dagdagan ang kanilang kapasidad kung makakakuha sila ng dagdag na nurses na puwedeng pumuno sa additional beds.
Ginagawa naman aniya ng paraan ng private hospitals kung kakayanin nila subalit karamihan sa mga ito ay nagsabing may natanggap silang written na kailangan nilang sumunod sa Bayanihan 2 directive na bahagi nito.
Una nang umapela sa gobyerno ang grupo para dagdagan ang workforce ng mga pribadong ospital lalo pa’t patuloy ang pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa NCR Plus.