Pinag-aaralan na ng Department of Health (doh) ang pagtatayo ng sub laboratories na magsasagawa ng confirmatory tests para sa COVID-19.
Sinabi ni Health Assistant Secretary Kenneth Ronqullo sa pagdinig ng Kamara na nag-iisa lang ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na may kakayahang agsagawa ng confirmatory test.
Ayon kay Ronquillo limang sub national laboratories sa buong bansa ang nais nilang itatag.
Batay sa datos ng DOH, hanggang noong nakalipas na araw ay mayroon nang 382 PUI sa bansa na iba pa sa bilang ng persons under monitoring (PUM) na nasa 413 na naitala hanggang kahapon.
Paliwanag naman ni Dr. Ferchito Avelino ng DOH Epidemiology Bureau ang mga PUM ay mga indibidwal na posibeng nagkaroon ng contact matapos lumipad sa mga lugar na may positibong kaso ng COVID-19.
Matapos sumailalim ng 14 day quarantine period at nagpakita ng sintoms ng COVID-19 saka lamang sila ikukunsider bilang mga PUI.