Pinag-aaralan ng Department of Health (DOH) ang posibilidad na imungkahi nito sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagluluwag ng border restrictions para sa mga foreign traveler na nais pumunta sa Pilipinas.
Ito ang tugon ni Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire sa tanong na kung kailan ang tamang oras para alisin ang entry requirements ng mga turista bago makapasok ng bansa.
Sumusunod kasi aniya ang DOH sa Executive Order (EO) 168 na ginawa ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease.
Nabatid na ilang bansa na ang nagluwag ng kani-kanilang restriction sa gitna ng COVID-19 pandemic.