Pinag-aaralan ng Department of Health(DOH) na irekomenda ang pagpapaliban sa implementasyon ng pinalawig na age restriction sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ).
Ito ang inihayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, matapos mapaulat na ilan sa mga naitalang kaso ng UK variant ng COVID-19 sa Pilipinas ay pawang kabataan.
Ayon kay Vergeire, pinag-iisipan nilang irekumenda na huwag munang ipatupad ang pinaluwag na age restriction na sisimulan sana sa Pebrero 1, upang maiwasan ang mabilis na pagkalat ng UK COVID-19 variant.
Magugunitang, pinahintulutan na ng IATF na makalabas ng bahay ang mga batang may edad 10 taon pataas sa mga lugar na nasa MGCQ.
Batay sa talaan ng DOH, pito sa 12 kaso ng UK COVID-19 variant sa Bontoc, Mountain Province ay mga batang may edad lima hanggang 10 taong gulan.