Pinag iingat ng Department of Health ang mga magulang sa pagbili ng mga school supplies ng kanilang mga anak.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, dapat maging metikuloso ang mga magulang sa pagbasa ng label ng mga gamit na bibilhin nila para sa kanilang mga anak upang matiyak na walang delikadong materyales ang mga school supplies na ito.
Tiniyak ni Duque ang tuluy tuloy na pagbabantay nila para masiguro ang kaligtasan ng mga mag aaral laban sa ilang toxic school supplies.
Magugunitang nagbabala ang FDA o Food and Drug Administration sa ilang produkto na mayroong nakakalasong materyales at kabilang dito ang 12 in 1 Pencil, Fairyland 16 Crayons, Leehoe Glitter Fabric Paint Pens na may lead, cadmium at mercury na wala sa market standards.