Pinag iingat ng Department Of Health o DOH ang mga residente malapit sa Bulkang Bulusan at Kanlaon.
Ayon kay Dr. Lyndon Leesuy, tagapagsalita ng DOH, mapanganib ang makalanghap ng abo at mahalaga ang paggamit ng panyo o bimpo para makaiwas.
Pinayuhan din ni Leesuy ang mga residente na agad magtungo sa mga Health Center o kaya mga provincial hospital kapag nahirapan huminga o nakaramdam ng paninikip ng dibdib dulot ng ash fall.
By: Katrina Valle