Pinag iingat ng Department of Health ang publiko sa masamang epekto ng haze na nararanasan sa Mindanao at ilang bahagi ng Visayas.
Iginiit ni DOH Spokesperson Dr. Lyndon Lee Suy na mas mabuting manatili na lamang sa loob ng bahay na mayruong magandang ventilation ang mga matatanda at batang may asthma o anumang chronic obstructive pulmonary diseases.
Posible aniyang magdulot ng air pollution ang haze na mula sa forest fires sa Indonesia na posibleng mag-trigger sa respiratory tract infections at cardiac ailments.
Kung hindi rin naman maiiwasang lumabas ng bahay, iminungkahi ni Lee Suy na magsuot ng dust mask.
Binigyang diin ni Lee Suy ang agarang pag kunsulta sa mga duktor kung nakakaramdam na ng sakit para maagapan ito.
By: Judith Larino