Pinaiiwas ng Department of Health – Central Visayas ang publiko sa paglangoy sa mga coastal waters sa Cordova, Cebu.
Kasunod ito ng isinagawang test ng Department of Environment and Natural Resources kung saan, napag-alaman na mayroong mataas na lebel ng fecal coliform sa lugar, partikular sa Barangay Catarman.
Ang fecal coliform ay mula sa dumi ng tao at mga hayop na maaaring pagmulan ng iba’t ibang sakit.
Ayon kay DOH 7 Director Jaime Bernadas, ang fecal coliforms ay karaniwang sanhi ng water-borne disease.
Kabilang sa mga posibleng sintomas ng sakit ay lagnat, pagsusuka, pananakit ng tiyan at dehydration.
Pinayuhan naman ng health department ang mga nakararanas ng sintomas ng sakit na agad na magpakonsulta sa doktor.