Pinaghihinay-hinay ni Congressman Ronnie Ong ang Department of Health (DOH) sa paglalabas ng mga pahayag hinggil sa novel coronavirus (nCoV).
Tinawag pang maling diskarte ni Ong ang mga pahayag ng DOH dahil pawang premature na maituturing ang mga ito at nagreresulta lamang ng panic sa publiko.
Ayon kay Ong, sa kasalukuyan ay pawang suspected case pa lamang ng nCoV mayroon ang Pilipinas subalit kung makapag-anunsyo ang DOH ay parang malala na ang sitwasyon.
Sa halip, isinulong ni Ong ang pagsasagawa ng informative drive ng DOH para matugunan ng mga Pilipino kung papaano mapapangalagaan ang sarili laban sa nCoV.
Kasabay nito, pinatitiyak din ni Ong ang pagdaan sa mahigpit na screening ng lahat ng mga turistang pumapasok sa bansa mula sa airport.