Ipinagmalaki ng Department of Health ang pagbaba sa bilang ng mga naitatalang kaso ng dengue sa bansa.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni DOH Disease Prevention and Control Bureau Chief, Dr. Ailene Espiritu na mula Enero hanggang Hunyo ng taong ito, aabot lang sa 27,930 ang naitalang kaso ng dengue.
Mas mababa aniya ito ng 84% kumpara sa kanilang hawak na datos sa kaparehong panahon noong isang taon.
Mula sa nasabing bilang, dinabi ni Dr. Espiritu na aabot lamang sa 104 ang bilang ng mga nasawi dahil sa dengue na mas mababa rin ng 43% kumpara noong isang taon.
Sinabi ng opisyal na nakatulong ng malaki upang malabanan ang pagkalat ng sakit ay ang pananatili sa kabahayan ng publiko gayundin ang palagiang paglilinis ng katawan bunsod ng COVID-19 pandemic. —Ulat mula kay Patrol 17 Jopel Pelenio