Pinawi ng DOH o Department of Health ang pangambang kumalat ang cholera sa mga evacuation center sa Iligan City, Lanao del Norte.
Ayon sa DOH – Region 10, bagaman nakaranas ng diarrhea, pagsusuka at pananakit ng tiyan at nagpositibo sa cholera ang ilang evacuee, agad namang dinala sa ospital ang mga ito at nakalabas noong Hunyo 3 at 5.
Tiniyak din ni DOH – 10 Regional Director Nimfa Torrizo na tinututukan nila ang kalusugan ng mga internally displaced person upang maiwasan ang cholera outbreak.
Kabilang anya sa mga inilatag na tugon ng kagawaran ang water testing at pag-monitor sa mga portalets, tamang pagtatapon ng basura at drainage system.
By Drew Nacino