Nilinaw ng Department of Health (DOH) na ang lahat ng indibidwal na nakapag-generate na ng kanilang digital COVID-19 vaccine certificates sa Vaxcertph ay dapat mag-request ng panibagong bersyon dahil sa updated features nito.
Sinabi naman ng DOH na maaaring i-regenerate ang code sa vaxcert.doh.gov.ph o magtungo sa lugar na pinagbakunahan.
Kalakip sa Vaxcertph ang personal data ng holder, brand at lot number ng bakuna, lugar, at date kung kailan ito naiturok.
Samantala, mayroon ding QR code na gagamitin sa vaccination information management system at maaari rin itong gamiting ‘digital proof of vaccination’ sa mga magtutungo sa ibang bansa.—sa panulat ni Mara Valle