Planong dagdagan ng Department of Health (DOH) ang mga ospital para sa pagbabakuna ng mga kabataang nasa 12 hanggang 17 taong gulang.
Nabatid na nasa 8 mga ospital na ang nagsasagawa ngayon ng pagbabakuna sa mga menor de edad at plano pa itong paramihin o palawakin.
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, may ilang mga ospital nagpahayag na makikiisa sa vaccination rollout ng pamahalaan para mas mabilis na matugunan ang pagbabakuna lalo na sa mga kabataang may comorbidities.
Sinabi pa ni Cabotaje na maaring magparehistro ang mga kabataang nais magpabakuna sa pamamagitan ng kanilang mga pediatrician at ng LGU’s pero papayagan lamang sa “walk-ins” ang mga pasyenteng inirefer ng kanilang mga pediatrician o ng kanilang Local Government Units (LGU). —sa panulat ni Angelica Doctolero