Inihayag ng health department na posibleng hindi mabakunahan ang ilang mga Pilipino sakaling matuloy ang pagbibigay ng booster shots.
Ito’y sa kabila ngkakulangan ng supply ng COVID-19 vaccines sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kinukonsidera ng pamahalaan ang pagkakaroon ng equity kasabay ng pagsasaalang -alang sa kaligtasan ng mamamayang Pilipino.
Pagtitiyak ni Vergeire na wala pang pinal na rekomendasyon ng vaccine experts sa bansa hinggil sa kung sino ang maaaring makatanggap ng booster shots , kung gaano kadalas ito ibigay at kung anong brand ang dapat gamitin.
Nilinaw ni Vergeire na bukas ang Department of Health (DOH) tungkol sa usapin na ito.
Aniya, may inilaang pondo para sa booster shots sa 2022 kung sakaling matuloy na kasalukuyang tinatalakay na rin sa kamara.
Magugunitang sinabi ng budget department na wala pa silang nakikitang pondo para sa pagbili ng booster shots para sa susunod na taon.