Pursigido ang Department of Health (DOH) puksain ang tuberculosis sa taong 2022.
Ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial, sa katunayan ay nakatutok na sila sa target na gawing “rare disease” mula sa pagiging prevalaent disease sa ilalim ng Philippine Strategic TB Elimination Plan.
Ito ang inihayag ni Ubial sa gitna ng selebrasyon ng World Tuberculosis Day sa Quezon Institute sa Quezon City kung saan matatagpuan ang the Philippine Tuberculosis Society.
Maituturing anyang “rare” ang naturang sakit kung mayroong isang kaso sa bawat sampung libong (10,000) katao.
Sa ngayon ay 323 per 100,000 persons o tatlo mula sa sampung libong katao ang incidence ng tuberculosis sa Pilipinas.
Batay sa datos ng National TB Program, halos tatlundaang libo (300,000) na ang kaso ng tuberculosis at karamihan sa mga pasyente ay sumasailalim na sa treatment.
By Drew Nacino