Iniulat ngayon ng Department of Health (DOH) na 46 ang namatay dahil sa AIDS noong Disyembre.
Lumabas din sa datos ng DOH na may 650 bagong kaso ng Human Immunodeficiency Virus o HIV.
Mas mataas ito ng 28 percent kumpara sa parehong period noong 2014.
Ayon sa DOH report, nangunguna ang Metro Manila sa may pinakamataas na kaso ng HIV na nasa 38 percent.
Sinundan ito ng CALABARZON (15 percent), Central Luzon (10 percent), Davao Region (8 percent) at Central Visayas (7 percent).
By Meann Tanbio