Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa mga nakararanas ng depresyon o anxiety ngayong panahon ng pandemya.
Ayon kay DOH Usec.Ma. Rosario Vergeire, “it’s okay not to be okay” ngunit kung kinakailangan ng makakausap ay mangyaring tumawag lamang sa mga hotlines ng National Center for Mental Health.
Ordinaryo anya na makaramdam ng pagkabalisa, kalungkutan at kawalang pagasa sa ganitong panahon ngunit mahalagang mayroong suporta ng pamilya at komunidad.
Una nang umapela si Justice Secretary Menardo Guevarra ng tulong sa mga religious leader matapos na makatanggap ng impormasyon na tumaas ang suicide incident nitong pandemic.