Nagpapatuloy pa ang pag-aaral sa mga epekto ng medical marijuana.
Ayon kay Health Spokesman Dr. Eric Tayag, kabilang sa pangunahing gamit ng medical marijuana ay ang pagiging pain reliever para sa mga pasyente na sumasalang sa cancer treatment.
Sinabi ni Tayag na hindi pa 100 porsyentong nade-develop ang paggamit sa marijuana bilang gamot at limitadong lugar pa lang sa Amerika ang pumapayag sa paggamit nito.
Magugunitang una nang sinabi ni Mark Anthony Fernandez na ang mga marijuana na nakuha sa kanya ay kanyang ginagamit para makaiwas sa cancer.
Bahagi ng pahayag ni DOH Spokesman Dr. Eric Tayag
By Katrina Valle | Balitang Todong Lakas