Hinikayat ng Department of Health (DOH) ang mga bagong licensed physicians na manatili sa bansa at magsilbi sa bayan.
Ginawa ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang panawagan sa Laging Handa public briefing matapos pumasa sa licensure exams ang mahigit 3,000 bagong doktor.
Ayon kay Vergeire, mahalaga ang serbisyo ng mga medical doctors at iba pang healthcare workers lalo na ngayong panahon ng coronavirus disease (COVID-19 pandemic.
Matatandaang tinanggal na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang deployment ban para sa mga medical professionals na nais umalis at magtrabaho sa ibayong dagat.