Mabilis na nakalusot sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) si Health Secretary Janette Garin.
Itinalaga si Garin na kalihim ng Department of Health (DOH), kapalit ni Enrique Ona na nasangkot sa kontrobersiya dahil sa pagbili ng bakuna kontra pulmonya.
Bukod kay Garin, kabilang pa sa mga nakumpirma ng CA sina Ambassadors Constancio Vingno Jr., to the United Arab Emirates; Joselito Jimeno, Switzerland; Evelyn Austria-Garcia, Timor-Leste; Leslie Baja, Egypt; Ma. Fe Pangilinan, Hungary, at Daniel Espiritu, Pakistan.
By Meann Tanbio