Ipinauubaya na ni DOH Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire kay Pang. Ferdinand Marcos Jr., kung itatalaga siya nito o hindi bilang kalihim ng nasabing kagawaran.
Ito’y matapos italaga ng Pangulo sina Atty. Cheloy Garafil bilang Presidential Communications Office Secretary at Carlito Galvez, bilang Defense Secretary.
Magugunitang inihayag ni PBBM na magtatalaga ito ng full-time Health secretary kapag naging normal na ang sitwasyon sa bansa sa harap ng Covid-19 pandemic.
Pitong buwan nang bakante ang posisyon ng DOH secretary habang nananatiling OIC ng ahensya si Vergeire. —sa panulat ni Hannah Oledan