Suportado ng ilang kongresista ang plano ni Health Secretary Ted Herbosa na bumuo ng Nursing Advisory Council at magtalaga ng Chief Nursing Officer na may ranggong Undersecretary.
Ayon kay AnaKalusugan Party-list Rep. Ray Reyes, maganda ang inisyatibo ng kalihim pero hindi dapat kalimutan na ang isa sa pinakadahilan ng shortage ng nurse sa bansa ay ang pasahod.
Sang-ayon din si House Committee on Civil Service and Professional Regulation Chairman at Bohol Rep. Kristine Alexie Tutor sa naturang mga hakbang upang mas epektibong matugunan ang problema sa sweldo ng public at private nurses.
Iminungkahi ni Rep. Tutor sa Department of Health at Department of Labor and Employment na bumuo ng isang wage and compensation system, lalo na para sa mga private nurses na mas mababa ang sweldo kumpara sa government nurses.
Maaari din anyang magpatupad ng wage subsidy gaya ng service contracting program para sa private nurses lalo’t ang kanila namang trabaho ay isang public health function.