Mayroong sapat na storage facility para sa mga bakuna sa bansa.
Tiniyak ito ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa gitna na rin nang pinaigting na pagbabakuna lalo na kontra COVID-19.
Ipinabatid ni Vergeire na nakapaghanda na ang gobyerno ng mga gamit at pasilidad para matiyak ang paglalagakan ng mga bakuna kontra COVID-19 gayundin ang iba pang bakuna sa ilalim ng national immunization program .