Inihayag ng Department of Health na isinailalim sa re-orientation kaugnay sa vaccination protocol ang isang healthcare workers na nagtuturok ng bakuna kontra COVID-19.
Kasunod ito ng mga kumakalat na insidente ng sablay na pagbabakuna.
Ayon sa DOH, iniimbestigahan na nila ang mga insidenteng ito at nakikipagtulungan na sa mga lokal na pamahalaan.
Iginiit rin ng ahensya na dapat na hanggang 8 oras lamang ang shift ng vaccinators upang mabawasan ang kanilang pagod at maiwasan ang mga pagkakamali sa pagbabakuna.
Hinimok naman ng ahensya ang publiko na mas maging maunawain sa mga healthcare workers. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico