Tiniyak ng Department of Health (DOH) na handa ang bansa sa pagpasok ng bagong sublinage ng Omicron BQ.1 variant.
Batay sa DOH, bagama’t sapat ang bed capacity sa mga ospital sa bansa mahalaga pa rin na paigtingin ang pagbabantay ng pagkalat ng naturang bagong variant sa iba’t ibang lugar sa bansa at ang pamamahagi ng mga kaukulang datos.
Muli namang nagpaalala ang ahensya sa publiko na magpabakuna na at magpa-booster shots. —mula sa panulat ni Maize Aliño-Dayundayon