Tiniyak ng Department Of Health (DOH) na walang sa posibleng COVID-19 surge’ sa buwan ng Hunyo at Hulyo ng taon.
Ito ang naging reaksiyon ng DOH sa sinabi ni Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez na may inaasahang surge ang pamahalaan sa naturang buwan.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nagbigay paalala lamang ang pamahalaan sa mga hakbang na maaari nang gawin ng bansa.
Dagdag ni Vergeire, gumagawa na ang pamahalaan ng ilang paghahanda sakaling sumirit ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Hindi lang aniya para sa kasalukuyang sitwasyon ang paghahanda ng gobyerno kung hindi pati na rin sa posibleng mangyari dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso.
Sa ngayon, wala pang nakikitang posibleng “COVID-19 surge” ang DOH sa bansa pagdating ng buwan ng Hunyo at Hulyo.
— sa panulat ni Rashid Locsin