Pinaiimbestigahan ni Health Secretary Francisco Duque III, kung may lumabag sa priorization guidelines sa pagroll-out ng Sinovac vaccine sa bansa.
Ayon kay Duque, aalamin niya kung bakit may lumilitaw na isyu na mas naunang maturukan ang mga pulitiko bago ang mga mga health workers.
Ipinagtanggol ni Duque sina Vaccine Czar Carlito Galvez, MMDA Chairman Benhur Abalos, at Chief implementer Vince Dizon na nagpabakuna sa Sinovac.
Aniya, ang pagpapaturok ng mga opisyal ay para mahikayat ang publiko na nagaalinlangan magpaturok ng bakuna kontra COVID-19.
Samantala, nasa 17% mga health workers ang kayang mabaunahan ng 600 doses ng Sinovac.— sa panulat ni Rashid Locsin