Pagsisikapan ng Pilipinas na makabili ng Merck & Co’s Experimental Antiviral Pill na Molnupiravir sakaling ito ay mapatunayang may benepisyo sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kapag may mga ganito namang bagong produkto na isinasailalim sa pag-aaral ay hindi naman nagpapahuli ang pilipinas at nakikipag negosasyon ang Gobyerno para tayo ay magkaroon ng access dito.
Ani Vergeire, isinagawa ang clinical trial sa naturang pill sa Lung Center of the Philippines nitong taon, dahilan para mas maging madali sa Pilipinas na magkaroon ng access dito.
Gayunman sinabi ni Vergeire na sakaling maging “Game Changer” ang pill na ito, tiyak na mapakikinabangan ito ng publiko.—sa panulat ni Jennelyn Valencia-Burgos