Suportado ni Health Secretary Francisco Duque III ang derektiba ni Pangulong Duterte na pag ban sa paggamit ng mga vaping products sa bansa.
Ayon sa kalihim, ibibigay niya ang buo nitong suporta sa inanunsyo ng presidente at sa ngayon ay nag iintay na lamang ng isang EO o Executive Order mula dito.
Aniya, mayroong higit 2,000 kaso ng vape related injuries ang naitala sa Estados Unidos at 42 dito ang namatay.
Hindi na aniya dapat hintayin na mangyari ito sa Pilipinas bago pa man ipatigil ang paggamit ng vape.
Magugunitang nasa isang milyong Pilipino ang gumagamit ng e cigarettes at vape sa bansa.