Target ng Department of Health (DOH) na maitayo na ang mga primary health clinics sa iba’t ibang panig ng bansa sa susunod na taon.
Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, spokesman ng DOH, handa nilang araw arawin ang Senado hanggang sa magsara ang 17th Congress upang igiit ang pagpasa sa dagdag na excise tax para sa sin products.
Kailangan aniyang matiyak ang dagdag na pondo para maayos na maipatupad sa susunod na taon ang universal health care law.
“Dalawang backbone po nito ay yung universal health coverage, national health insurance o kaya Philhealth. So kailangan po kasi damihan natin at kailangan ma-enroll natin ang bawat Pilipino atsaka ma-engage natin yung package kasama na yung package and benefits kasi ngayon nagagamit po yung Philhealth pag na-confine tayo. Kaya importante po kasi yung regular check-up, gamot ay ma-icover natin at kailangan magkaroon tayo ng mga clinic kung saan may mga assign na doctor.” Pahayag ni Usec. Domingo.