Target ng Department of Health (DOH) na maluwagan ng hanggang sa 40% ang ospital sa Metro Manila.
Ito ay dahil punuan pa rin ang karamihan sa mga ospital sa NCR Plus Bubble dahil sa dami ng mga naitatalang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, magagawa nila ito sa pamamagitan ng paglipat ng mga asymptomatic at mild cases ng COVID-19 sa mga itinakdang isolation facilities ng pamahalaan.
Kaugnay nito, tiniyak din ni Vergeire na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan upang makapagtayo ng mga karagdagang isolation facilities.