Target ng Department of Health na mapababa hanggang sa mawala nang tuluyang ang kaso ng Ketong sa bansa pagsapit ng taong 2022.
Ayon sa DOH, nasa 1,000 bagong kaso ang naitatala sa Pilipinas kada taon mula 2010 hanggang 2016.
Pinakamataas na kaso ng mga bagong kaso ng Ketong ay naitala noong 2012 na mayruong 2,000 kaso na karamihan ay mga bata ang tinamaan ng sakit.
Binigyang diin ng DOH na nagagamot ang sakit na Ketong lalo na kung maaga itong mada-diagnosed.
Kayat payo ng DOH, agad magpakonsulta sa doktor kung makitaan ng sintomas ng Ketong ang balat.
Kabilang sa sintomas ang pag-iiba ng kulay ng balat, pamamantal at pamamanhid ng balat.
Posted by: Robert Eugenio