Prayoridad mabigyan ng bakuna laban COVID-19 na gawa ng Pfizer BionTech ang Metro Manila, Cebu at Davao ayon sa Department of Health.
Batay sa pahayag ni Health Spokesperson Maria Rosario Vergeire, ito ay dahil ang mga naturang lugar ang may kapasidad na mag-imbak ng Pfizer COVID-19 vaccines na may -70 °C na storage temperature.
Matatandaang dumating na sa bansa ang 193,050 doses ng Pfizer COVID-19 vaccines nitong Lunes ng gabi.