Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na simula na ang kanilang pagtanggap ng aplikasyon para sa deputized physicians.
Sa Facebook post ng DOH, nakasaad na nangangailangan sila ng mga medical graduate na magsisilbing deputized physcians para makatuwang sa patuloy na paglaban ng bansa sa COVID-19.
Para makunsidera sa nasabing posisyon, kailangan ang aplikante ay isang Pilipino, graduate ng medical education program, at completed ng one year post-graduate internship program.
Kinakailangan din na siya ay nakakuha na o nakapasa sa physician licensure examination.
Ang matatanggap na mga aplikante ay itatalaga sa primary care facility o temporary isolation facility.
Kakailanganin ang kanilang serbisyo sa loob ng tatlong buwan sa ilalim ng contract of service at may tyansa itong ma-renew kung kinakailangan.