Tatalakayin ng Department of Health (DOH) kasama ang ilang eksperto ang mungkahing bigyan ng second COVID-19 booster shot ang polling precint officers at Overseas Filipino Workers (OFWs).
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kailangan na muling amyendahan ang Emergency Use Authorization (EUA) sakaling isama ang nasabing sektor.
Nabatid na kahapon lamang ng irekomenda ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na isama ang seafarers at ofws sa pamamahagi ng ikalawang booster dose.
Una nang sinabi ng DOH na naglabas ang Food and Drug Administration (FDA) ng EUA sa pagbibigay ng naturang dose para sa immunocompromised, senior citizens at health workers pero iminungkahi ng Health Technology Assessment Council (HTAC) na sa ngayon ay unahin muna ang mga may sakit na indibidwal. – sa panulat ni Airiam Sancho