Dahil sa limitadong suplay ng bakuna kontra COVID-19, tinitingnan na ngayon ng Department of Health (DOH) ang pagbibigay ng second dose na iba sa unang naiturok na bakuna sa mga nakatanggap na nito.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakikipagkoordinasyon na sila sa Department of Science and Technology (DOST) at vaccine expert panel para pag-aralan ang plano nilang vaccine mixing.
Pahayag ni Vergeire, napag-alaman nila na sa United Kingdom mayroon nang nagsasagawa ng pag-aaral para sa mixing and matching ng magkaibang vaccine.
Pero, pahayag ng health official, wala pang resulta ang ginagawang pag-aarala na ito sa UK at kailangan aniya nila itong hintayin upang makakuha ng mga karagdagan pang ebidensya.