Tiniyak ng Department of Health (DOH) na handang tumugon ang kanilang kagawaran kasunod ng pagkaka-detect ng bagong sublineage ng Omicron sa bansa.
Ayon sa Department of Health, maliban sa pagtitiyak ng sapat na kapasidad ng mga ospital, mahalaga ring paigtingin ang pagbabantay at pagbabahagi ng mga datos na may koneksyon sa sakit.
Ito ay para matiyak na napag-aaralan ang mga bagong usbong na virus, upang mapaganda ang kalidad ng mga bakuna.
Samantala, muling umapela ang DOH sa publiko na magpabakuna na at tumanggap ng booster shot, bilang dagdag proteksyon laban sa Omicron sublineage ng COVID-19.