Tiniyak ng Department of Health (DOH) sa publiko ang pagmonitor sa posibleng pagtaas ng COVID-19 cases matapos ang 2022 national at local elections.
Ito’y matapos makapagtala ng ilang paglabag sa health protocols sa kasagsagan ng botohan noong Lunes.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, base sa kanilang projection ay posibleng magkaroon surge sa kaso ng COVID-19 sa katapusan ng Mayo kung bababa sa 30%- 50% ang compliance rate sa public health standards.
Gayunman, nangangamba si Vergeire na maaaring mapaaga ang pagtaas dulot nang epekto ng mga bagong variant ng COVID-19.
Ilan sa paglabag noong araw ng halalan ang sobrang dikitan ng mga tao, hindi pag-check sa temperatura at hindi maayos na pagsusuot ng face mask.
Sa datos ng DOH, sumadsad pa sa 3, 638 ang Active COVID-19 cases makaraang magkapagtala ang ng additional 127 na bagong kaso, kahapon.